Gastrostomy o Gastro-Jejunum Tubeng Iyong Anak: Pagpapakain sa Hiringgilya
Uuwi ang iyong anak na may nakalagay na alinman sa gastronomy tube (G tube) o gastro-jejunum tube (G-J tube). Inilalagay ang G-tube sa dingding ng tiyan (abdominal) papunta sa sikmura. Naghahatid ang tubong ito ng likidong pagkain nang direkta sa iyong sikmura. Tutulungan ka ng pahinang ito na bigyan ka ng mga pagkain sa pamamagitan ng gravity gamit ang hiringgilya patungo sa G tube.
Inilalagay ang G-J tube sa pamamagitan ng dingding ng tiyan papasok sa sikmura at humahantong sa bahagi ng maliit na bituka na tinatawag na jejunum. Naghahatid ito ng likidong pagkain nang direkta sa jejunum. Magkakaroon ang tubo ng may takip na dulo (port) upang maghatid ng likidong pagkain, mga likido, at gamot patungo sa sikmura (G-tube) at ibang port na pumupunta sa jejunum (J-tube). Kung kailangan ng iyong anak ng pagpapakain nang direkta papunta sa jejunum sa pamamagitan ng J tube port, ipapakita sa iyo kung paano gawin iyon gamit ang pump. Sundin ang partikular na tagubilin ng pangkat ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak para sa pagpapakain gamit ang pump patungo sa J tube.
 |
Nakalagay ang G-tube o G-J tube upang maihatid ang likidong pagkain o gamot nang direkta sa sikmura o maliit na bituka ng iyong anak. |
Tandaan na maraming uri ng mga G at G-J tube, hiringgilya, at mga supply sa pagpapakain. Maaaring iba ang itsura o paggana ng tubo at mga supply ng iyong anak mula sa kung ano ang inilarawan at ipinakita rito. Isang uri ng tubo ang may koneksyon na hinahayaan kang i-plug o itulak ang hiringgilya patungo sa G o G-J tube. Ang isa pang uri ay may twist-on safety connector. Nangangahulugan ang twist-on connector na dapat mong gamitin ang isang partikular na uri ng hiringgilya na naka-screw sa G o G-J tube ng iyong anak. Sundin ang mga tagubilin na ibinigay ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak o home health nurse.
Tandaan
Mag-ingat na maiwasan ang tubo na maging panganib sa pagkasakal ng iyong anak. Sundin ang payo ng iyong pangkat na tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa kung paano ingatan nang ligtas ang tubo.
Panatilihing nakahanda ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan
Hingin sa pangkat ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ang mga numero ng telepono na tatawagan kung kailangan mo ng tulong. At, siguraduhin na mayroon kang numero ng telepono ng kompanya ng medikal na supply ng iyong anak. Kakailanganin mong mag-order ng mas maraming supply para sa iyong anak sa hinaharap. Isulat ang lahat ng numerong ito ng telepono sa ibaba:
Tagapangalaga ng kalusugan: _____________________________________
Home health nurse: ______________________________________
Kompanya ng medikal na supply: __________________________________
Bolus na pagpapakain
Ang bolus na pagpapakain ay isang kasing laki ng pagkain na dami ng likidong pagkain sa pamamagitan ng tubo ilang beses sa isang araw. Ibinibigay ang bolus na pagpapakain sa pamamagitan ng hiringgilya patungo sa G-tube na humahantong sa sikmura.. Sasabihin sa iyo ng tagapangalaga ng iyong anak o home health nurse kung gaano karami ng likidong pagkain ang gagamitin sa bawat pagpapakain. Sasabihin din sa iyo kung gaano kadalas pakakainin ang iyong anak.
Para sa bolus na pagpapakain, punan ang mga numero sa ibaba:
Pakainin ang iyong anak sa iskedyul na ito: _____________________________________________
Ibigay ang ganito karami sa bawat pagpapakain: ______________________________________________
Pagpapakain sa iyong anak sa pamamagitan ng gravity
Ang mga supply na kakailanganin mo ay:

Sundin ang mga hakbang na ito:
-
Hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at malinis na dumadaloy na tubig.
-
Tingnan ang etiketa at petsa ng pag-expire ng likidong pagkain. Huwag gamitin ang anumang lata o bag ng pagkain kung tapos na ang petsa ng pag-expire. Sa halip, kumuha ng bagong lata o bag ng pagkain.
-
Buksan ang takip ng port ng pagpapakain sa G o G-J tube.
-
Ikonekta ang extension na tubo sa port ng pagpapakain ng G o G-J tube.
-
Hindi lahat ng tubo ay may mga clamp. Kung may clamp ang tubo, siguraduhin na sarado ito.
-
Hilahin palabas ang plunger mula sa hiringgilya ng pagpapakain.
-
Ikonekta ang hiringgilya ng pagpapakain sa kabilang dulo ng extension na tubo.
-
Ibuhos ang likidong pagkain sa hiringgilya ng pagpapakain. Ilagay lang ang dami na inireseta ng tagapangalaga ng iyong anak.
-
Buksan ang clamp sa extension na tubo.
-
Hawakan nang tuwid pataas ang hiringgilya sa pagpapakain. Hinahayaan nito ang pagkain na dumaloy sa G o G-J tube sa pamamagitan ng gravity. I-adjust ang anggulo ng hiringgilya sa pagpapakain upang kontrolin ang bilis ng daloy ng pagkain.
-
Kung napakabagal ang pagdaloy ng pagkain o hindi talaga dumadaloy, ilagay ang plunger sa hiringgilya. Marahang itulak nang kaunti ang plunger. Makatutulong ito na alisin ang anumang humaharang o bumabara sa tubo. Huwag itulak nang ganap ang plunger sa hiringgilya o nang may puwersa.
-
Muling lagyan ang hiringgilya sa pagpapakain ng pagkain, kung kailangan. Ulitin ang mga hakbang hanggang matanggap ng iyong anak ang iniresetang dami ng pagkain.
-
Pagkatapos ng pagpapakain, i-flush ang extension na tubo ng tubig gaya ng ipinakita sa iyo sa ospital.
-
Idiskonekta ang hiringgilya mula sa extension na tubo.
-
Idiskonekta ang extension na tubo mula sa G o G-J tube.
-
Isara ang takip ng port ng pagpapakain sa G o G-J tube.
Mga karagdagang tagubilin: ______________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng iyong kalusugan
Makipag-ugnayan kaagad sa tagapangalaga kung mangyari ang alinman sa sumusunod:
-
Nakakita ka ng dugo sa tubo, sa dumi ng iyong anak, o sa mga nilalaman ng sikmura. Depende sa dami, maaari kang payuhan na tumawag sa 911 .
-
Mukhang maluwag ang tubo o lumabas.
-
Naging mas malaki ang bukana kung saan pumapasok sa balat ang tubo.
-
Nabubuo ang mapula at magaspang na tisyu sa paligid ng lugar ng tubo.
-
Naging barado o may harang ang tubo at hindi mo ito maalis.
-
May pamumula, pamamaga, tumatagas na likido, o mga sugat ang balat sa paligid ng lugar ng tubo.
-
Umuubo, nabulunan, o nagsusuka ang iyong anak habang pinakakain.
-
Mukhang namamaga ang tiyan ng iyong anak o matigas ang pakiramdam kapag marahang pinisil.
-
Nagtatae o tinitibi ang iyong anak.
-
May lagnat ang iyong anak 100.4°F (40°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad o ayon sa itinagubilin ng tagapangalaga.
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung: