Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ang Anatomya ng Sistema ng Paghinga ng Iyong Anak

Ang sistema ng paghinga ang nagdadala ng hangin patungo at palabas ng mga baga. Kapag ang iyong anak ay lumalanghap, ang hangin na mayaman sa oxygen ay dumadaloy patungo sa mga baga. Ang oxygen na ito ay dinadala sa mga selula ng katawan upang magamit para sa enerhiya at paglaki. Kapag ang iyong anak ay humihinga, ang mga sobrang gaas ay dumadaloy palabas.

Paano Gumagana ang Paghinga

Ang paglanghap ay tinatawag na inspiration. Kapang ang iyong anak ay lumalanghap, pinupuno ng hangin ang mga daluyan ng hangin na nasa baga. Ang hanging mayaman sa oxygen ay umaabot sa mga sacs na tila lobo na nasa dulo ng daanan ng hangin. Ang mga sac na ito ay tinatawag na alveoli. Ang oxygen ay dumadaan sa mga daluyan ng dugo na nakapaligid sa sacs. Ang dugo ang siyang magdadala sa oxygen sa lahat ng bahagi ng katawan. Habang ang katawan ay gumagamit ng oxygen, lumilikha ito ng carbon dioxide (tirang gas), na siyang dinadala ng dugo pabalik sa mga baga. Kapag ang iyong anak ay huminga, lumalabas ang carbon dioxide sa katawan sa mga daanan ng hangin, windpipe at sa bibig o ilong. Ang paghinga ay tinatawag na expiration.

Mga Bahagi ng Sistema ng Paghinga

Harap na kuha ng bata na nakatagilid ang ulo na ipinakikita ang itaas at ibabang bahagi ng sistema ng palahingahan.

Closeup ng bronchiole at alveoli.

Ang sistema ng paghinga ng isang bata ay katulad ng sa matanda. Gayunman, ang ilang mga straktura ay naiiba sa sukat at posisyon. Halimbawa, ang dila ng isang bata ay kumukuha ng mas higit na espasyo sa bibig kumpara sa mga matatanda. Ang larynx ng isang bata ay matatagpuan sa mataas na posisyon ng leeg kumpara sa matatanda.

  • Ang bibig at ilong ay ang mga bukasan kung saan pumapasok at lumalabas ang hangin sa katawan.

  • Sinuses ay mga kamara na puno ng hangin sa loob ng mga buto ng mukha. Pinapanatili nilang mamasa-masa ang ilong at walang alikabok at mikrobyo.

  • Ang pharynx ay isang puwang sa likod ng bibig.

  • Ang larynx ay ang mataas na bahagi ng windpipe, na naglalaman ng vocal cords.

  • Ang windpipe (trachea) ang nagbibigay ng daanan sa hangin papasok at palabas sa mga baga.

  • Ang baga ay pares ng organ na gawa sa mala sponghang tisyu. Mayroon ang mga itong limang seksyon, o “lobes”, tatlo sa kanang baga at dalawa sa kaliwa. Pinapahintulutan ng baga na makatanggap ng oxygen ang katawan at maalis nito ang carbon dioxide.

  • Bronchioles (daanan ng hangin) ay mga nauunat na mga “sanga” sa lahat ng dako ng baga. Pinapaligiran ng mga pangkat ng kalamnan ang bawat bronchiole. Ang mga bronchioles ay lumiliit habang ang mga ito ay palalim patungo sa baga.

  • Alveoli ay kumpol ng mga sac na tila lobo sa dulo ng mga daanan ng hangin.

  • Mga daluyan ng dugo ay mga tubo na nagdadala ng dugo sa mga baga at sa lahat ng dako ng katawan. Pinapaligiran ng maliliit na daluyan ng dugo ang mga sac ng hangin, na nagpapahintulot sa palitan ng oxygen at carbon dioxide.

  • Ang pleural space ay isang lugar sa pagitan ng mga baga at pader ng dibdib, napapaligiran sa bawat panig ng tisyu na tinatawag na pleura.

  • Ang diaphragm ay isang kalamnan sa tiyan na tumutulong sa paghinga.

  • Ang uhog ay madikit na sangkap na ginagawa ng mga selula sa paligid ng mga daanan ng hangin. Kinukulong nito ang alikabok, usok at iba pang maliliit na butil mula sa hangin na nalalanghap.

  • Cilia ay maliliit na buhok sa mga selula ng mga daanan ng hangin. Tinatangay nila ang mga uhog pataas sa mga daanan ng hangin at patungo sa lalamunan. Dito, ang uhog ay nalulunok o naiuubo palabas.

Online Medical Reviewer: Amy Finke RN BSN
Online Medical Reviewer: Jessica Gotwals BSN MPH
Online Medical Reviewer: Liora C Adler MD
Date Last Reviewed: 7/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer